^

Probinsiya

Brgy. chairman, 4 dinukot ng NPA

-
CAMP AGUINALDO – Lima-katao kabilang na ang barangay chairman ang iniulat na dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang mga biktima ay nagsasagawa ng pagpapatrulya sa liblib na bahagi ng Barangay Matupe, San Fernando, Bukidnon kamakalawa.

Isa sa mga dinukot ay nakilalang si Barangay Chairman Tomas Manib, samantalang hindi naman agad nabatid ang mga pangalan ng apat maliban sa pawang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) at Civilian Volunteers Organization (CVO) na nakabase sa nasabing barangay.

Base sa ulat na ipinarating kahapon ng Army’s 4rth Infantry Division sa Camp Aguinaldo, naitala ang pangyayari bandang alas-3 ng madaling-araw habang nagpapatrulya sa naturang lugar.

Ayon kay Lt. Gen. Gregorio Camiling Jr. ng Philippine Army na pinamunuan ni Leonardo Pitao, Kumander Parago ng Medardo Arce Command ng NPA ang pagdukot sa lima.

May teorya ang militar na papatayin ang mga biktima dahil sa aktibong kumakalaban sa makakaliwang kilusan sa nabanggit na barangay at karatig pook. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY CHAIRMAN TOMAS MANIB

BARANGAY MATUPE

CAMP AGUINALDO

CIVILIAN ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

CIVILIAN VOLUNTEERS ORGANIZATION

GREGORIO CAMILING JR.

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

KUMANDER PARAGO

LEONARDO PITAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with