^

Probinsiya

Tulak tinodas ng pulis

-
RIZAL – Isang paroladong tulak ng bawal na droga ang binaril at napatay ng pulisya matapos na tangkaing ihagis ang hawak na granada sa bahay ng kanyang live-in partner na tumangging makipagbalikan kamakalawa sa Barangay Pantok, Binangonan, Rizal.

Walang buhay na bumulagta si Danilo Cervantes, 39 ng Mabuhay Homes Subdivision, Barangay Darangan, Binangonan, Rizal.

Base sa inisyal na imbestigasyon, tinungo ni Cervantes ang bahay ng lola ng kanyang live-in partner sa San Valentin, Barangay Pantok.

Dahil sa lango sa droga ay nagwala habang hawak ang granada at pinagpipilitang lumabas ng bahay ang kanyang live-in partner.

Agad namang humingi ng tulong sa pulisya ang lolang si Angelita de Guzman para payapain si Cervantes.

Namataan naman ni Cervantes na rumesponde ang ilang pulis kaya tinanggal nito ang pin ng granada at aktong ihahagis pero umalingawngaw ang sunud-sunod na putok bago pa tuluyang pakawalan ang hawak na bomba.

Hindi na nakaporma pa si Cervantes at tuluyang bumulagta, samantala, hindi naman sumabog ang hawak na granada dahil agad na nahawakan ng isa sa mga nagrespondeng pulis ang kamay ni Cervantes.(Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ANGELITA

BARANGAY DARANGAN

BARANGAY PANTOK

BINANGONAN

CERVANTES

DANILO CERVANTES

EDWIN BALASA

MABUHAY HOMES SUBDIVISION

RIZAL

SAN VALENTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with