^

Probinsiya

16 MILF rebels sumuko

-
CAGAYAN DE ORO CITY – Labing-anim na rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na may dalang sampung iba’t ibang malalakas na kalibre ng baril ang kumpirmadong sumuko sa Philippine Army’s Task Force Diamond IV noong nakalipas na linggo sa Lanao del Norte.

Ang mga nagsisukong rebelde na pinangunahan ni Mojib Macapaar Gamor, alyas Commander Nusa ng MILF National Guard ay malugod na tinanggap ni Col. Armando Cunanan, commander ng Task Force Diamond IV ng 4th Infantry Division na nakabase sa Kampo Ranao sa Marawi City.

Ayon sa mga rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan, hindi na nila makayanan ang mapanganib na pamumuhay sa kagubatan kaya nagpasyang magbalik sa dating normal na pamumuhay.

Nangako naman si Col. Cunanan na makatatanggap ng livelihood assistance ang mga rebelde sa ilalim ng Balik-Baril Program. (Ulat ni Bong D. Fabe)

vuukle comment

ARMANDO CUNANAN

BALIK-BARIL PROGRAM

BONG D

COMMANDER NUSA

INFANTRY DIVISION

KAMPO RANAO

MARAWI CITY

MOJIB MACAPAAR GAMOR

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NATIONAL GUARD

TASK FORCE DIAMOND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with