^

Probinsiya

NPA leader sumuko

-
CAMP AGUINALDO – Isa sa lider ng makakaliwang kilusan ang nagbalik-loob sa pamahalaan dahil sa tumitinding demoralisasyon sa hanay ng mga rebelde sa bulubunduking sakop ng Isabela.

Ang sumukong lider ng New People’s Army (NPA) ay nakilalang si Liza Castro, 21, alyas Ka Burbunio, squad lider ng Sandatahang Yunit Pampropaganda-II sa ilalim ng Felomina Asuncion Front na pinamumunuan naman ni Ka Jose.

Ang kinaanibang grupo ng NPA ni Castro ay aktibong kumikilos sa mga bayan ng Mallig at Roxas na pawang nasa Isabela at Paracelis Mt. Province.

Ilan sa mga hinanaing ni Castro matapos na isailalim sa tactical interrogation ay ang pangingikil ng revolutionary tax mula sa mga negosyante at maging ang mahihirap na residente ay hindi pinatawad ng kilusang komunista. (Ulat ni Joy Cantos)

FELOMINA ASUNCION FRONT

ILAN

ISABELA

JOY CANTOS

KA BURBUNIO

KA JOSE

LIZA CASTRO

MT. PROVINCE

NEW PEOPLE

SANDATAHANG YUNIT PAMPROPAGANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with