^

Probinsiya

Phone booth pinasabugan ng bomba

-
CAMP CRAME – Umalingawngaw ang malakas na pagsabog na naging sanhi rin ng matinding tensyon sa mga residente makaraang taniman ng bomba ang phone booth sa kahabaan ng New Lucban, Baguio City kamakalawa ng madaling-araw.

Naitala ang pangyayari bandang alas-4:30 ng madaling-araw at agad na ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya para magawan ng paraan.

Mabilis namang rumesponde ang mga operatiba ng PNP-Explosives and Ordinance Division (EOD) at ilang departamento ng pulisya para magsagawa ng pagsusuri.

Napag-alaman pa na habang nagsasagawa ng inspeksyon sa paligid ng pinangyarihan ng pagsabog ay nakadiskubre naman ng isa pang bomba kaya agad namang nagawan ng paraan.

Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na pagsabog, samantala, may mga nakuhang ilang piraso ng bomba at kasalukuyang sinusuri.(Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BAGUIO CITY

EXPLOSIVES AND ORDINANCE DIVISION

JOY CANTOS

MABILIS

NAITALA

NAPAG

NEW LUCBAN

ULAT

UMALINGAWNGAW

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with