^

Probinsiya

Kilos-protesta laban sa illegal fishing

-
SUBIC, Zambales – Nagsagawa ng kilos-protesta kamakalawa ang may mahigit sa 1,000 mga residente at lehitimong mangingisda sa Barangay Wawandue dito upang aksyunan ang talamak at lumalawak na illegal na pangingisda (dynamite fishing) sa karagatang sakop ng Barangay Nagyantok sa nasabing munisipalidad.

Kaagad na nagsipagtipon ang mga residente at mga mangingisda sa harapan ng Wawandue Fish Port sa Subic, Zambales upang personal nilang isagawa ang pagmamatyag at paghuli sa mga lokal na dayuhang mangingisda na pumapasok sa karagatang sakop ng Barangay Wawandue at Nagyantok.

Ayon sa pahayag ng mga residente sa PSN, matagal na umano nilang inirereklamo ang ganitong uri ng pangingisda sa mga lokal na awtoridad subalit patuloy na hindi inaaksyunan ang kanilang reklamo laban dito at patuloy pa rin ang nagaganap na illegal dynamite fishing sa kanilang lugar.

Maging ang alkalde sa bayan ng Subic, Zambales na si Mayor Jeffrey Khonghun ay minsan na nilang nilapitan upang hingan ng tulong subalit hanggang sa ngayon ay nananatiling walang aksyon ang naturang alkalde.

Ang isinagawang kilos-protesta ng mga residente at mangingisda ay bunsod sa patuloy ang kawalang malambat na isda na ibebenta sa pamilihang bayan.

Sinubukang makapanayam ng PSN si Mayor Khonghun upang kunan ang kanyang panig subalit tumanggi itong humarap at ayaw magbigay ng pahayag kaugnay sa nasabing usapin. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

AYON

BARANGAY NAGYANTOK

BARANGAY WAWANDUE

JEFF TOMBADO

MAYOR JEFFREY KHONGHUN

MAYOR KHONGHUN

SUBIC

WAWANDUE FISH PORT

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with