150 nalason sa pagkain ng delata
July 4, 2003 | 12:00am
Umaabot sa 150 mag-aaral ng elementarya at high school ang iniulat na nalason makaraang kumain ng delatang may babalang lampas sa itinakdang panahon sa Barangay Mascat, Rodriguez, Rizal kamakalawa ng ng hapon.
Agad na isinugod ang mga biktima sa ospital matapos na makaramdam ng paninikip ng dibdib at pagsusuka sa kinaing delata na ipinamigay ni Lito Lacerna, isang drayber.
Ayon sa ulat ni Rico Decastro, hepe ng Public Information Office sa nasabing bayan, bago maganap ang pangyayari ay inutusan si Lacerna na itapon ang tatlong kahon ng pagkaing delata dahil sa lagpas na sa itinakdang panahon para kainin.
Dahil sa panghihinayang na itapon ni Lacerna ang tatlong kahon ng delata ay palihim nitong inuwi at ipinamahagi sa mga kapitbahay.
Dito na nagsimulang sumakit ang tiyan ng mga kabataan na nakakain ng ipinamahaging delata. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 10 hours ago
By Victor Martin | 10 hours ago
By Omar Padilla | 10 hours ago
Recommended