3 ‘motor napper’ todas sa engkuwentro
MANILA, Philippines — Tatlong magnanakaw ng isang motorsiklo ang napatay ng mga pulis sa isang engkwentro sa Midsayap, Cotabato, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang dalawa sa tatlong nasawing suspek na sina Arzad Calong; at Talusan Dimatingcal na mga residente ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isang suspek.
Unang namaril ng mga police sa isang checkpoint sa Libungan, Cotabato ang tatlo, habang sakay ng isang nakaw na motorsiklo.
Ayon kay Major Arnold Andaya, hepe ng Libungan municipal police, gumanti ng putok ang pulis at napatay ang tatlo.
- Latest
















