Babae na ‘di nagbabayad ng utang, itinumba
MANILA, Philippines — Isang babae ang nasawi matapos barilin ng isa sa dalawang suspek dahil umano sa hindi nito pagbabayad ng utang sa Carcar City.
Kinilala ang biktimang si Yesha Enad Sato, 28, at residente ng Sitio Luan-luan, Brgy. Poblacion, Carcar City.
Nadakip naman ang dalawang suspek na kinilalang sina Alberto Aguilar Diez, 39, gunman, at Aljune Sosona Serenio, 35.
Sa report ng pulisya, bigla na lamang dumating ang suspek sa bahay ng biktima at walang kaabug-abog na pinagbabaril ito sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agarang kamatayan.
Matapos ang krimen, tumakas ang mga suspek, subalit kalaunan ay nadakip din ng mga otoridad sa isinagawang follow-up operations.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, hindi nababayarang utang ng biktima ang motibo sa krimen.
- Latest















