^

Probinsiya

Kabit kinompronta ang tunay na mister ng dyowa, dedo sa mga pulis

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki na hinihinalang kabit matapos umanong tangkaing komprontahin ang legal na asawa ng dyo­wa niya matapos siyang manlaban umano sa mga otoridad sa Cebu City.

Ayon sa ulat noong Huwebes, nauna umanong sumugod ang lalaki dala ang isang ba­ril sa bahay ng kaniyang dyowa upang komprontahin ang umano’y legal husband nito.

Agad namang nakatakas ang legal husband na mabilis na  nakahingi ng tulong sa mga barangay tanod na humingi ng responde sa pulisya.

Dumating ang Philip­pine National Police (PNP) Special Wea­pons and Tactics (SWAT) upang rumesponde, suba­lit nagpaputok ito kung saan isang miyembro ng SWAT team ang umano’y nadaplisan ng bala sa mukha, dahilan upang gumanti ang  mga pulis at tamaan ng bala sa dibdib at namatay noon din.

“Hindi natin in-expect na ganoon pala ka-aggressive yung ating­ suspek, yung pagpapaputok doon sa atin ay nagresulta ng sugat doon sa ating SWAT personnel and luckily po nasa stable condition na po siya,” ani P/Col. Enrico Figueroa.

SWAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with