Pulis na lider ng holdap gang nasakote
July 3, 2003 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Limang holdaper kabilang na ang bagitong pulis na pinaniniwalaang lider na responsable sa sunud-sunod na holdapan sa ibat ibang bayan sa Cavite ang iniulat na nasakote ng pulisya kamakalawa sa Barangay Molino 1, Bacoor, Cavite.
Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina PO1 Ronnie Agrimano, nakatalaga sa Provincial Police Mobile Group (PPMG); Roberto Sabulao, ng Las Piñas City; Joselito Magan, ng Barangay San Nicolas, Bacoor; Roberto Cruto, ng Barangay Aniban at Christopher Bermudez na pawang kasapi ng Agrimano holdap gang.
Base sa ulat ni SPO3 Rodolfo Arboleda, ikinanta ng apat na holdaper na si PO1 Agrimano ang kanilang lider at inamin din ng mga suspek na nagsasagawa sila ng modus operandi sa Tanza, Kawit, Rosario at Bacoor, Cavite. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest