^

Probinsiya

5 katao patay sa kidlat

-
GENERAL SANTOS CITY – Lima-katao kabilang na ang isang 9-anyos na batang lalaki ang kumpirmadong nasawi makaraang tamaan ng matalim na kidlat sa Barangay Liberty, Tampakan, South Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang napuruhan ng kidlat na sina Editho Balaba, Sr., 38; anak na si Editho Jr.; Salvador Gunday, 55; Sarina Gunday, 50, may asawa; at Amado Hortillano, 40, na pawang residente ng nabanggit na barangay.

Base sa naantalang ulat na isinumite kay Provincial Welfare and Development Officer Bella Lechonsito, ang mga biktima, maliban kay Hortillano, ay nag-aayos ng kanilang mga pinatuyong tabako sa loob ng isang bodega nang tamaan ng kidlat.

Ayon pa kay Lechonsito, malubha ang tinamong sugat mula sa kidlat ng mga biktima at naisugod pa sa ospital pero idineklarang patay.

Napag-alaman na si Hortillano ay maghapong nag-aararo ng sakahang lupain at nakisilong lamang sa bodega matapos na bumuhos ang ulan bandang alas-4 ng hapon noong Lunes, Hunyo 30, 2003.(Ulat ni Boyet Jubelag)

vuukle comment

AMADO HORTILLANO

BARANGAY LIBERTY

BOYET JUBELAG

EDITHO BALABA

EDITHO JR.

HORTILLANO

PROVINCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICER BELLA LECHONSITO

SALVADOR GUNDAY

SARINA GUNDAY

SOUTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with