3 sibilyan pinugutan ng ulo ng Abu
June 29, 2003 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Tatlong katawan ng sibilyan na pugot ang mga ulo ang natagpuan ng mga residente matapos umano itong dukutin ng mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa bulubundukin ng Sibalao sa lungsod na ito.
Ang mga biktima na pawang mga walang ulo nang matagpuan ang mga bangkay ay nakilalang sina Rudy Mendoza at mga kapatid nitong sina Wilson at Rodelyn.
Ayon sa report, bandang alas-8:00 ng umaga kahapon nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima na pawang pugot ang mga ulo sa bisinidad ng Sibalao na nasa pagitan ng mga bundok sa Sibuco at Sirawai sa Zamboanga del Norte.
Ayon kay Inspector Fred Francisco ng Bitali police station, dinukot ng 60 armadong miyembro ng ASG ang magkakapatid may 3 araw na ang nakakaraan.
Nagkaroon umano ng engkwentro ang mga CAFGU at ASG sa barangay Sibalao noong Martes kaya tumakas ang mga bandido hanggang sa sapilitang isama ang 3 magkakapatid upang gamiting guide sa kanilang pagtakas.
Pinaniniwalaan ng mga militar na pinugutan ng ulo ng mga ASG ang magkakapatid matapos na magamit nila itong guide sa pagtakas.
Inatasan naman ni Southern Command chief Maj. Gen. Roy Kyamko ang anti-terrorist task force nito upang suyurin ang bulubundukin ng Sibuco-Sirawai at Siocon kung saan pinaniniwalaang nagtatago ang mga ASG.(Ulat nina Roel Pareño at Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am