5 obrero pinatay
June 28, 2003 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Limang obrero ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang mga biktima ay namumutol ng damo sa bakanteng loteng sakop ng Barangay Olaes F. De Castro, General Mariano Alvarez, Cavite kahapon.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Danilo Segarino, Isko Reyes, Sandy Laguna, Ernesto Garcia, at Juanito Along na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Samantala, si Loreto Sedrino na isa sa kasamahan ng mga biktima ay nakaligtas at nasaksihan ang malagim na pangyayari.
Base sa ulat ng pulisya na isinumite kay P/Chief Insp. Randolf Tuano, police chief sa naturang bayan, ang limang biktima ay inupahan ng may-ari ng lupain upang mamutol ng damo sa naturang lugar.
Sa unang araw na gawain ng mga biktima ay lumapit ang isa sa mga suspek at pinagbawalan ang lima na tumigil sa pamumutol ng damo pero binalewala nila ito.
Hanggang sa dumating ang oras na umalingawngaw ang sunud-sunod na putok hanggang sa duguang bumulagta ang mga biktima. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest