Nene natodas sa trap ng daga
June 25, 2003 | 12:00am
NABUA, Camarines Sur Isang menor-de-edad na batang babae ang iniulat na nasawi makaraang matapakan ang trap ng daga na may malakas na boltahe ng kuryente sa palayang sakop ng Barangay La Opinion sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot ng buhay sa Mediatrix Hospital sa Iriga City ang biktimang si Vilma Benigas, 5, ng nabangagit na barangay.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na hindi napansin ng biktima ang yerong gamit sa pamatay ng daga habang ito ay naglalakad bandang alas-6 ng gabi.
Nabatid na inilatag ni Henry Bermido ang bitag ng daga sa kanyang palayan para sa dumaraang peste ng palay pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay bata ang nabitag. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest