2 todas, 4 pa grabe sa amok
June 22, 2003 | 12:00am
URDANETA CITY, Pangasinan Dalawa-katao kabilang na ang tatlong-taong gulang na bata ang iniulat na nasawi makaraang pagtatagain ng nag-amok na lalaki noong Miyerkules, Hunyo 18, sa Barangay Sta. Lucia sa lungsod na ito.
Sa naantalang ulat na isinumite sa Pangasinan PNP provincial office, nakilala ang mga napatay na biktimang sina Joshua Jimenez at ang 3-anyos na si Cristabel Salgado.
Samantala, malubhang nasugatan naman sina Jing Jimenez, 27, Sotero Bernabe, 66, Virginia Salgado, 52, at Jun Corpuz, 32, na pawang residente ng nasabing barangay.
Boluntaryong sumuko ang suspek na si Ruel Dismaya, 31, walang trabaho, may asawa. Narekober ang itak at steel bar na ginamit ng suspek sa mga biktima.
Pormal namang kinasuhan ng double murder at multiple frustrated murder ang suspek habang naghihimas ng rehas na bakal sa himpilan ng pulisya. (Ulat nina Eva Visperas at Cesar S. Ramirez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 17 hours ago
By Doris Franche-Borja | 17 hours ago
By Jorge Hallare | 17 hours ago
Recommended