Totoy kinidnap/pinatay
June 21, 2003 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Isang 12-anyos na totoy na pinaniniwalaang kinidnap noong Biyernes, Hunyo 13, 2003 ang nadiskubreng nakalutang sa matubig na taniman ng bakawan sa Barangay Calachuchi sa bayang ito kahapon ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Kenneth Bansoy, grade 4 at residente ng Sitio Banacod sa bayang ito.
Samantala, ang suspek na huling nakitang kasama ng biktima ay nakilalang si Amador Albo alyas Mading, 43, obrero ng nabanggit ding barangay.
May palagay ang pulisya na lango sa droga ang suspek kaya nagawa nito ang karumal-dumal na krimen.
Base sa ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima bandang alas-6 ng umaga na may mga palatandaan na pinahirapan muna bago pinatay.
Iniulat na nawawala ang biktima noong umaga ng Hunyo 13, 2003 kaya minabuti ng mga magulang na iulat sa himpilan ng pulisya.
Kahapon ay namataan ng ilang residente ang bangkay ng isang bata sa nasabing lugar kaya agad na nagresponde ang pulisya na tumugma sa nawawalang biktima na nakatali pa ang mga kamay na pinalalagay na pinahirapan bago pinaslang. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest