Pagawaan ng mga pekeng VCD sinalakay
June 20, 2003 | 12:00am
BAGUIO CITY Sinalakay ng pulisya ang pagawaan ng mga pekeng video compact disc (VCD) na nagresulta sa pagkakakumpiska ng dalawang makina at 2,291 ibat ibang uri ng piratang VCD sa Sandico Street sa lungsod na ito kamakalawa.
Inaresto sina Haji Yazim Mambuay, 38, ng Marawi City at Usman Pangandaman Gandarosa, 59, ng Lanao del Norte, pero pinalaya ng pulisya pansamantala makaraang mangako na babalik para sagutin ang isasampang kaso laban sa kanila.
Ayon sa pulisya, bukod sa nadiskubreng dalawang makina ng VCD at CD ay kinumpiska rin ng pulisya ang 400 blangkong VCD, 1050 kahon ng VCD, 710 VCD na naglalaman ng ibat ibang pelikula.
Sinabi ni P/Supt. Ernesto Gaab na maaring makagawa ng 400 pekeng VCD ang dalawang makina kapag tuluy-tuloy ang operasyon sa magdamag at pinaniniwalaang ipinakakalat sa Northern Luzon. (Ulat ni Artemio A. Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest