^

Probinsiya

Manager ng RCPI nailigtas sa kidnapers

-
Solano, Nueva Vizcaya – Matapos ang limang araw na pagkakabihag, nasagip ng mga awtoridad ang Branch Manager ng Radio Communications Inc. (RCPI) na dinukot ng mga armadong kalalakihan sa San Jose City sa isinagawang operasyon sa bayang ito kamakalawa.

Kinilala ang nailigtas na biktima na si Mr. Danilo Fulgencio, Branch Manager ng RCPI na nakabase sa San Jose City na dinukot ng mga grupo ng mga armadong kalalakihan na nanloob sa kanilang tanggapan noong nakalipas na Hunyo 7.

Sinabi ni P/Chief Inspector James Afalla, hepe ng Solano Police, na ang biktima ay tinangay sa pagtakas ng mga suspek na nakakulimbat ng hindi pa madeterminang halaga ng pera at mga kagamitan sa RCPI.

Hindi umano nakuntento ang mga suspek ay tinangay pa ang biktima na ginawang kalasag mula sa tumugis na miyembro ng pulisya.

Ang biktima ay narekober ng mga awtoridad habang wala sa sariling naglalakad bunga ng ‘trauma’ sa insidente sa isang lugar sa naturang bayan. (Ulat ni Charlie Lagasca)

vuukle comment

BRANCH MANAGER

CHARLIE LAGASCA

CHIEF INSPECTOR JAMES AFALLA

HUNYO

MR. DANILO FULGENCIO

NUEVA VIZCAYA

RADIO COMMUNICATIONS INC

SAN JOSE CITY

SOLANO POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with