14-anyos sex slave ng mag-ama
June 13, 2003 | 12:00am
MERCEDES, Camarines Norte Nagwakas ang pagiging sex slave sa mahabang panahon ng isang 14-anyos na batang babae makaraang ireklamo ng biktima ang buhong na mag-ama sa himpilan ng pulisya sa bayang ito.
Ang biktima na itinago sa pangalang Criselda, grade 6 pupil ay hindi na nakatiis sa ginagawang kahayupan ng mag-ama simula pa noong Agosto 2002 sa kanilang bahay.
Wala namang inirekomendang piyansa ang piskalya laban sa mag-amang sina Ruben Rosalinas, 56, karpintero at anak nitong si Marvin, 22 na kapwa residente ng Barangay Del Rosario sa nasabing bayan.
Batay sa salaysay ng biktima kay SPO1 Flordeluz Esguerra, magkasunod na isinasagawa ng mga suspek ang maitim na balak tuwing madaling-araw.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na pansamantalang inihabilin ng manugang na babae ang biktima sa kanyang biyenang suspek para maghanap ng trabaho sa Maynila.
Nitong buwan ng Hunyo ay dumating ang manugang ng suspek at agad namang ipinagbigay-alam ng biktima ang pangyayari hanggang sa madakip ang mga suspek. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended