^

Probinsiya

Brgy. chairman, trader itinumba

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Isang barangay chairman ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa harap ng kanyang asawa’t mga anak sa Barangay Balantay, samantala, isa namang negosyante ang itinumba ng ex-convict sa Barangay Poblacion, Dimasalang, Masbate kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Barangay Chairman Fidel Tepaet, 68 at Nestor Cebu, 51, residente ng Market Site, Tamayo Street, Brgy. Poblacion sa bayang ito.

Sa ulat ng pulisya, si Tepaet ay inakalang informer ng militar at pulisya na nagbibigay ng impormasyon sa ikinikilos ng makakaliwang kilusan kaya pinatahimik ng mga rebelde sa loob ng kanilang bahay sa harap mismo ng kanyang asawa’t mga anak.

Kasunod nito, agad naman nadakip ng pulisya ang killer ni Cebu na si Antonio Adique, 57 matapos isagawa ang krimen dakong alas-7:15 ng gabi. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ANTONIO ADIQUE

BARANGAY BALANTAY

BARANGAY CHAIRMAN FIDEL TEPAET

BARANGAY POBLACION

BRGY

ED CASULLA

LEGAZPI CITY

MARKET SITE

NESTOR CEBU

NEW PEOPLE

TAMAYO STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with