^

Probinsiya

4 na magnanakaw nadakip

-
CAMP VICENTE LIM – Apat sa anim na nanloob sa bahay-sanglaan sa Palawan noong Hunyo 5, 2003 ang iniulat na nadakip ng pulisya sa pantalan ng Maynila mula sa sinakyang barko noong Sabado.

Ang suspek na si Julio Col-ing, 39 ng Baguio City ay inaresto sa Puerto Princesa, Palawan, samantala, sina Domingo Lagadan, 23; Teddy Castro, 26 at Lito Diego, 31, ng Barangay Pagkilan, Batangas ay nasakote sa Pier 2, North Harbor, Manila ng mga tauhan ni P/Sr. Supt. Michael Garraez.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga supek ay responsable sa panloloob sa bahay-sanglaan na pag-aari ni Bobby Castro na matatagpuan sa Narrazid Rd., Brookespoint, Palawan at nandugas ng mga nakasanlang alahas na nagkakahalaga ng P1.5 milyon at P43,000.

Sa isinasagawang follow-up operation, unang nadakip si Col-ing kaya naituro ang tatlo niyang kasama na sumakay ng barko patungong Maynila. (Ulat ni Ed Amoroso)

BAGUIO CITY

BARANGAY PAGKILAN

BOBBY CASTRO

DOMINGO LAGADAN

ED AMOROSO

JULIO COL

LITO DIEGO

MAYNILA

MICHAEL GARRAEZ

NARRAZID RD

PALAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with