^

Probinsiya

Manager ng RCPI dinukot

-
SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Isang manager ng RCPI ang iniulat na dinukot ng tatlo-katao makaraang pasukin ang pinapasukang kumpanya ng biktima sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Rafael Rueda Sr., sa lungsod na ito kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Danilo R. Fulgencio ng Josephine Village, Barangay Caloocan sa lungsod na ito.

Sa inisyal na pagsisiyasat na isinumite kay P/Supt. Julio De Luna, police chief sa lungsod na ito, naganap ang krimen dakong alas-12:15 ng tanghali sa loob ng nasabing kumpanya.

Base sa ulat, pumasok ng RCPI ang dalawang kidnaper at nagpanggap na kliyente habang ang isa naman ay nagsilbing look-out.

Ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay nagbunot ng baril ang dalawa bago sapilitang pinabuksan kay Danilo ang safety vault ng RCPI at tinangay ang hindi nabatid na halaga.

Bago tumakas ng mga kidnaper ay kinaladkad palabas si Danilo habang pinagmamasdan ng kanyang misis saka isinakay sa kotseng walang plaka patungong Isabela

Habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa nakikipag-ugnayan ang mga kidnaper sa pamilya ni Danilo. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BARANGAY CALOOCAN

BARANGAY RAFAEL RUEDA SR.

CHRISTIAN RYAN STA

DANILO

DANILO R

FULGENCIO

JOSEPHINE VILLAGE

JULIO DE LUNA

MAHARLIKA HIGHWAY

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with