Ex-pulis na may kanser, nagbaril sa ulo
June 7, 2003 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Isang retiradong pulis na umanoy hindi nakayanan ang sakit na kanser matapos taningan ng doktor ng isang taon para mabuhay ang nagpasyang magbaril sa ulo kamakalawa ng gabi sa kanilang tahanan sa bayan ng Imus.
Ang biktima ay nakilalang si Robert Ramos, 44, may-asawa at nakatira sa 486 Gen. E. Topacio St., Barangay Poblacion 1.
Ayon sa report ni PO1 Jude Camitan, bandang alas-8:45 ng gabi nang matagpuan umano ang duguang bangkay ng biktima sa loob ng silid nito na may isang tama ng bala sa kanyang sentido.
Nakuha sa tabi ng bangkay ng biktima ang ginamit nitong kalibre 38 baril at isang empty shell.
May paniwala ang pulisya na hindi na umano nakayanan ng biktima ang sakit na kanser nito.(Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 17 hours ago
By Victor Martin | 17 hours ago
By Omar Padilla | 17 hours ago
Recommended