^

Probinsiya

2 kawal patay sa duwelo

-
COTABATO CITY Dalawang sundalo ng Philippine Army ang iniulat na bumulagtang patay makaraang magduwelo habang naglalakad sa kahabaan ng Barangay Sarayan sa bayan ng President Roxas, North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang dalawang sundalo na sina Sgt. Antonio Sinfuego ng 39th Infantry Battalion at M/Sgt. Rudolfo Cacho ng Army’s Intelligence and Security Unit sa Davao City.

Ayon sa ulat, bago pa maganap ang duwelo ay narinig ng mga residente na nagtatalo ang dalawa habang naglalakad patungo sa palengke.

Napag-alaman pa na si Sinfuego ay detachment commander ng Army-village militia detachment sa Barangay Sarayan, samantala, si Cacho ay Army agent na napaulat na malimit maniktik sa mga ikinikilos ng rebeldeng New People’s Army sa nasabing barangay.

Nabatid sa mga nakasaksi sa duwelo na kapwa nagbunot ng baril ang dalawa hanggang sa umalingawngaw ang sunud-sunod na putok at nang maglaho ang makapal na usok ay duguang nakabulagta ang dalawang kawal. (Ulat ni John Unson)

vuukle comment

ANTONIO SINFUEGO

BARANGAY SARAYAN

DAVAO CITY

INFANTRY BATTALION

INTELLIGENCE AND SECURITY UNIT

JOHN UNSON

NEW PEOPLE

NORTH COTABATO

PHILIPPINE ARMY

PRESIDENT ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with