^

Probinsiya

3 suspek sa murder sumuko

-
Tatlong kalalakihan na responsable sa pamamaslang sa supervisor ng shipyard sa Batangas noong Enero 3, 1993, ang iniulat na sumuko sa pulisya kahapon.

Ang mga nagsisuko sa himpilan ng pulisya sa Bauan, Batangas ay nakilalang sina Modesto Castillo, 43; Martin Castillo, 46 residente ng Sitio Sampalucan, Manalupang, Bauan ng naturang lalawigan at si Randy Marilles ng Barangay Banguilawa.

Base sa rekord ng pulisya, si Marilles ay may nakabinbing kasong pagnanakaw at ika-2 sa talaan ng pulisya bilang most wanted sa Bauan, Batangas.

Naunang nadakip ang mag-utol na Mario at Emiliano Castillo dahil sa pagpaslang kay Tranquilino De Guzman noong 1993.

Napag-alaman pa sa ulat na napagtripang patayin ng lima si De Guzman matapos na makipag-inuman ng alak at nagtago ang lima hanggang sa unang madakip sina Mario at Emiliano Castillo.

Makaraan ang sampung taong pagtatago sa batas ng mag-utol na Modesto at Martin Castillo ay nagdesisyong sumuko sa pulisya sa pakikipagtulungan ni P/Supt. Mario De Villa, police chief ng Bauan. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

BARANGAY BANGUILAWA

BATANGAS

BAUAN

DE GUZMAN

ED AMOROSO

EMILIANO CASTILLO

MARIO

MARIO DE VILLA

MARTIN CASTILLO

MODESTO CASTILLO

RANDY MARILLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with