^

Probinsiya

Mag-asawa hinoldap, misis todas

-
Llanera, Nueva Ecija – Naging mitsa ng buhay ng isang negosyanteng babae ang ginawa nitong panlalaban matapos na barilin ng dalawang holdaper na nangholdap sa kanilang mag-asawa sa Brgy. General Luna sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Francisca Saulo, 35 anyos ng #162 Brgy. Zamora, Sta. Rosa, ng lalawigang ito. Ang biktima ay binawian ng buhay sa isang tama ng bala ng .45 caliber revolver sa kilikili na naglagos sa kaniyang batok.

Ayon kay PO3 Eleuterio Sawi , may hawak ng kaso ang biktima ay kasama ng kanyang Mister na si Ricardo Saulo, 38 nang maganap ang insidente dakong 6:40 ng gabi.

Nabatid na lulan ang mag-asawa ng kanilang sasakyang Besta van na may plakang WNZ-230 habang pauwi na sa Sta. Rosa mula sa bayan ng General Natividad nang harangin ang kanilang daraanan ng dalawang suspek na lulan ng tig-isang sports motorcycle na may back-up na isang kulay pulang Toyota pick-up.

Agad na tinutukan ng baril ng mga suspek ang mga biktima at nagdeklara ng holdap.

Dahil dito ay binaril ang biktima habang nagawa namang makatakas ng Mister nito na siyang nagreport ng insidente sa pulisya.

Natangay sa mag-asawa ang $ 2,500 o P130,000 cash, tatlong cellphones na 6210, 5210 at 3310 at mga alahas. Iniimbestigahan pa ang kaso para matukoy at maaresto ang mga suspek. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

AYON

BESTA

BRGY

CHRISTIAN RYAN STA

ELEUTERIO SAWI

FRANCISCA SAULO

GENERAL LUNA

GENERAL NATIVIDAD

NUEVA ECIJA

RICARDO SAULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with