^

Probinsiya

Lolo lasog sa tren

-
POLANGUI, Albay – Kalunos-lunos ang naging kamatayan ng isang 78-anyos na lolo makaraang mahagip ng tren habang tumatawid ang biktima sa riles na sakop ng Barangay Sugcad sa bayang ito kahapon ng umaga.

Nagkalasug-lasog ang katawan ni Ramon Jimenez, biyudo, matapos na suyurin ng tren bandang alas-9:50 ng umaga.

Tumigil naman ang tren na may body number 577 mula sa Maynila para asikasuhin ang bangkay at maipagbigay-alam ng pamilya.

Bago pa maganap ang pangyayari ay magtutungo ang biktima sa tindahan para bumili ng bigas at dahil sa mahina na ang pandinig nito ay hindi narinig ang rumaragasang at dagundong ng tren. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY SUGCAD

ED CASULLA

KALUNOS

MAYNILA

NAGKALASUG

RAMON JIMENEZ

TREN

TUMIGIL

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with