^

Probinsiya

Barangay chairman itinumba

-
CAMP CRAME – Isang barangay chairman ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos na maging hurado ang biktima sa amateur singing contest sa Barangay Silang, Calatagan, Batangas kamakalawa ng madaling-araw.

Binistay ng bala ng baril si Sixto Atienza, 44, may asawa, ng mga rebelde dahil na rin sa pagsuporta nito sa pakikibaka laban sa makakaliwang kilusan.

Naitala ng pulisya ang pananambang bandang ala-1 ng madaling-araw matapos ang singing contest sa kanilang barangay.

Karamihang nakasaksi sa pangyayari ay nakarinig na sumigaw ang mga hindi kilalang armadong lalaki na "mga NPA kami, huwag kayong makikialam," bago palakad na lumisan na animo’y walang nangyari. (Ulat ni Danilo Garcia)

BARANGAY SILANG

BATANGAS

BINISTAY

CALATAGAN

DANILO GARCIA

ISANG

KARAMIHANG

NAITALA

NEW PEOPLE

SIXTO ATIENZA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with