Jailbreak: 27 preso pumuga
May 5, 2003 | 12:00am
CAGAYAN DE ORO CITY Dalawamput pitong preso ang iniulat na nakapuga sa naganap na jailbreak sa Misamis Oriental Provincial Jail na ikinasugat ng isang guwardiya kahapon ng umaga.
Makaraang pumuga ay pumara ng pampasaherong jeep na minamaneho ni Noel Ramas bago nagsibaba malapit sa Nestle plant na sakop ng Barangay Tablon at kanya-kanyang nagpulasan.
Subalit sa isinagawang malawakang pagtugis ng Misamis Oriental Provincial Police Office ay siyam agad ang nalambat bago pa sumapit ang dilim kahapon.
Pinangunahan ni Fernando Acosta, alyas Commander Micabali na may kasong kidnapping with illegal detention at apat na kasong pagnanakaw ang jailbreak.
Ang mga pumuga na mula sa selda 1, 2 at 3 ay nakilalang sina Fernando Acosta, Servillo Cuerdo, Genero Onde, Feliciano Pasumala, Efren Amahon, Jeffrey Abajaron, Boyet Dacutan, Julie Ordiz, Allan Dejos, Roel Jumayno, Angelito Gonzaga, Ninolito Payapaya, Ramil Gemo, Abraham Alcachupas, Joseph Asindente, Arnold Jaranilla, Mervin Curan, Edwin Bolta, Jinky Humaynon, Joseph Macapundag, Fernando Nantinga, Jerry Quiquino, Julie Sumila, Emiliano Villanedo Jr, Edwin Lepanta at isang may apelyidong Tigcaluan.
Sina Acosta Cuerdo, Tigcaluan, Bolta, Onde, Jumayno, Pasumala, Dacutan at isang hindi nabatid ang pangalan ay nalambat sa isinagawang pagtugis.
Base sa ulat ni Atty. Demosthenes Arbelon, jail officer-in charge, naitala ang jailbreak bandang alas-5:30 ng umaga matapos na magpasabog si Acosta ng bomba na gawa sa lata ng sardinas, bulak at cigarette foil.
Sinamantala ng mga preso na bukas ang pintuan ng kulungan at pagkakagulo kaya mabilis na nakatakas, samantala, si PGI Jaime Savilla naman ay nasugatan dahil sa tama ng pana sa leeg. (Ulat ni Bong D. Fabe)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest