^

Probinsiya

Playboy na konsehal ipinakulong ni misis

-
BASUD, Camarines Norte – Isang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Daet ang inaresto ng pulisya makaraang ireklamo ng sariling misis sa kasong pambababae kamakalawa ng hapon.

Sa ipinalabas na warrant of arrest ni Municipal Trial Court Judge Wilfredo Herico, dinakip si Felix ‘Peyet" Pedron, 52 sa pansamantalang tirahan sa Barangay Dos Pasig sa bayang ito.

Mahinahon namang sumuko si Felix sa mga awtoridad bandang ala-1 ng hapon matapos na sampahan ng kaso ng sariling misis na si Ligaya Pedron, 48, negosyante at residente ng Barangay Bagasbas, Daet, Camarines Norte.

Nagsampa ng demanda si Ligaya laban sa kanyang mister matapos na kumalat ang balitang may kinakasamang ibang babae si Felix.

May dalawampung oras ding nagdusa sa kulungan si Felix bago makalaya dahil nagpiyansa ng halagang P6,000.

Pinabulaanan naman ni Felix ang akusasyon sa kanya ng sariling misis. (Ulat ni Francis Elevado)

BARANGAY BAGASBAS

BARANGAY DOS PASIG

CAMARINES NORTE

DAET

FRANCIS ELEVADO

ISANG

LIGAYA

LIGAYA PEDRON

MAHINAHON

MUNICIPAL TRIAL COURT JUDGE WILFREDO HERICO

SANGGUNIANG BAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with