^

Probinsiya

Heneral sinentensiyahang bibitayin ng NPA

-
Minarkahan na ng bitay ang mga opisyal at sundalo ng 204th Infantry Battalion ng pamunuan ng rebeldeng New People’s Army (NPA) dahil sa paniniwalang responsable ang una sa pagdukot sa limang aktibista na ang dalawa ay natagpuang patay sa Bansud, Oriental Mindoro.

Partikular na sinentensyahan ng bitay ng mga rebelde sa pamumuno ni Gregorio "Ka Roger" Rosal, si Gen. Jovito Palparan, commander ng 204th Infantry Battalion ng Phil. Army.

"Ang rebolusyunaryong kilusan ay sinisigurong mapapatawan ng death penalty si Palparan at kanyang mga tauhan dahil sa naturang pangyayari," ani Ka Roger.

Magugunita na ang bangkay nina Elaine Marcellana at Eddie Gumanoy ay natagpuan sa madamong bahagi ng Barangay Tigisan, Bansud, Oriental Mindoro noong Martes ng umaga.

Ayon sa ulat, si Marcellana, secretary general ng grupong Karapatan sa Timog Katagalugan ay binaril sa ulo, samantala, si Gumanoy na chairman ng grupong Kasama-TK ay binaril din sa ulo at dibdib.

Tatlo pang aktibista na sina Francisco Saez, Melvin Jocson na kapwa kasapi ng grupong Anakpawis at Virgilio "King" Caloy, film maker, miyembro ng Anakbayan ay nanatiling nawawala.

Ang mga biktima ay iniulat na dinukot ng mga kasapi ng ALSA MASA noong Lunes ng gabi sa Barangay Maibon, Naujan, Mindoro Oriental habang nagsasagawa nang pagsisiyasat sa pang-aabuso ng mga sundalo ng 204th Infantry Battalion simula pa noong Abril 19, 2003.

Kasunod nito, inatasan na ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Justice Secretary Simeon Datumanong na imbestigahan ang naturang kaso.(Ulat nina Benjie Villa at Lilia Tolentino)

vuukle comment

BANSUD

BARANGAY MAIBON

BARANGAY TIGISAN

BENJIE VILLA

EDDIE GUMANOY

ELAINE MARCELLANA

FRANCISCO SAEZ

INFANTRY BATTALION

KA ROGER

ORIENTAL MINDORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with