^

Probinsiya

6 'killer' ng estudyante nasakote

-
SOLANO, Nueva Vizcaya – Nasakote ng pulisya ang anim na suspek na pinaniniwalaang responsable sa pananaksak at pagkakapatay sa isang estudyanteng babae noong Huwebes, Abril 17, 2003 sa bayang ito.

Subalit pansamantalang pinalaya matapos na walang lumutang na testigo na magdidiin sa mga suspek na pumatay kay Joname Menor, high school student, ayon kay P/Chief Insp. James Afalla, police chief sa bayang ito.

Sinabi pa ni Afalla na pansamantalang inilihim ang mga pangalan ng suspek kabilang na ang kasintahan ng biktima na 15-anyos habang nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon.

"Ang mga testigong magbibigay-linaw sa kaso ay takot na lumutang dahil sa pangambang balikan ng mga suspek," ani Afalla.

Magugunita na si Joname ay hinarang ng mga suspek na lango sa droga habang naglalakad papauwi mula sa tindahan.

Sinaksak ng 17 beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima saka iniwang duguan. (Ulat ni Charlie C. Lagasca)

ABRIL

AFALLA

CHARLIE C

CHIEF INSP

HUWEBES

JAMES AFALLA

JONAME

JONAME MENOR

LAGASCA

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with