^

Probinsiya

Relay tower sinunog ng NPA

-
CASTILLA, Sorsogon – Muli na namang naghasik ng lagim ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang sunugin ang relay tower ng Globe Telecommunication, Inc. sa Sitio Binandirahan, Barangay Bagong Sirang sa bayang ito kahapon ng tanghali.

Batay sa ulat ng pulisya, aabot sa 30 armadong rebelde ang sumalakay sa naturang lugar bandang alas-12 ng tanghali bago tinutukan ang mga guwardiyang kumakain.

Hindi na nakuhang makapalag pa ng mga security guard habang pinaligiran naman ang relay tower saka binuhusan ng gasolina at sinilaban.

Napag-alaman pa sa ulat na katatapos pa lamang gawin ng Ericsson Phils. ang sinunog na relay tower para sa karagdagang relay station ng naturang kompanya sa Kabikulan.

May teorya ang mga imbestigador na tumangging magbigay ng revolutionary tax ang may-ari ng nabanggit na kompanya kaya sinilaban ang relay tower na nagsisilbing power station sa buong Kabikulan. (Ulat ni Ed Casulla)

BARANGAY BAGONG SIRANG

BATAY

ED CASULLA

ERICSSON PHILS

GLOBE TELECOMMUNICATION

KABIKULAN

MULI

NAPAG

NEW PEOPLE

SITIO BINANDIRAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with