^

Probinsiya

Binata pinatay ng adik

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 21-anyos na binata ng hindi kilalang lalaki na pinaniniwalaang adik sa droga makaraang ipagtanggol ng biktima ang sariling kasintahan kamakalawa ng hapon sa Queensrow Avenue, Bacoor, Cavite.

Idineklarang patay sa Las Piñas Medical Center ang biktimang si Ryan Michael Gueco ng Block 16 Lot 31 Queen Catherine St. ng nabanggit na barangay.

Samantala, ang suspek na hindi agad nakilala ay mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen dakong alas-5 ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Dominador Logon, naglalakad ang biktima kasabay ang kasintahan nang bastusin ng adik na suspek.

Dahil sa ginawang pambabastos ng suspek ay agad na nilapitan ng biktima saka kinompronta hanggang sa mauwi sa pamamaslang. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

BACOOR

CAVITE

CRISTINA G

DAHIL

DOMINADOR LOGON

LAS PI

MEDICAL CENTER

QUEEN CATHERINE ST.

QUEENSROW AVENUE

RYAN MICHAEL GUECO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with