^

Probinsiya

2 dalaga nalunod sa ilog

-
LIBON, Albay – Dalawang magkaibigan na dalaga ang nalunod matapos pulikatin ang mga ito habang naliligo sa isang malalim na ilog sa Sitio Paclas, Barangay Zone 4 ng bayang ito.

Ang mga nasawi ay nakilalang sina Jovie Arevalo, 20, at Irene Baylo, 18, na pawang dalaga at nakatira sa Barangay East Carisac.

Ayon sa report, bandang alas-2 ng hapon ng maligo ang mga biktima kasama ang ilang kabigan nitong Biyernes Santo sa isang ilog sa nasabing lugar.

Pinulikat umano ang dalawang biktima habang naliligo sa malalim na parte ng ilog kaya mabilis na sumigaw ang mga ito ng tulong pero kahit tinangkang sagipin ang dalawa ng kanilang mga kasamahan ay lumubog ang mga ito.

Pilit pa ring sinagip ng mga kasamahan sina Jovie at Irene saka dinala sa pagamutan pero idineklarang dead on arrival sanhi ng nainom nitong tubig.

Napag-alaman na hindi umano marunong lumangoy ang dalawang biktima at inakala na mababaw lamang ang nasabing ilog kaya nagtampisaw ang mga ito hanggang sa malunod. (Ulat ni Ed Casulla)

ALBAY

AYON

BARANGAY EAST CARISAC

BARANGAY ZONE

BIYERNES SANTO

ED CASULLA

IRENE BAYLO

JOVIE AREVALO

SITIO PACLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with