^

Probinsiya

Dalaga na-gang rape

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang dalaga na pinaniniwalaang may kapansanan sa pag-iisip ang iniulat na hinalay ng apat na kalalakihan sa bakanteng bahay sa Barangay Jamorawon, Milagros, Masbate kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na itinago sa pangalang Ara, 22, ay sinamahan ng magulang sa himpilan ng pulisya na magreklamo laban sa mga suspek na isa rito ay nakilalang si Ameng Dello, 50, may asawa at ngayon ay nakapiit.

Sa nakalap ng detalye ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-10 ng gabi makaraang harangin ng mga suspek ang biktima habang naglalakad papauwi.

Matapos ang krimen ay pinauwi na ang biktima hanggang sa mapansin ng magulang ang kakaibang ikinikilos nito at may bahid ng dugo ang suot na damit sa likurang bahagi ng katawan.

Agad naman inusisa ng magulang ang kanilang anak hanggang sa ipagtapat ang lahat ng pangyayari. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AMENG DELLO

BARANGAY JAMORAWON

BIKTIMA

ED CASULLA

ISANG

LEGAZPI CITY

MASBATE

MATAPOS

MILAGROS

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with