^

Probinsiya

Misis pinatay sa sakal ng lover

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Isang 37-anyos na misis ang iniulat na pinatay sa sakal ng kanyang lover makaraang takutin ng biktima ang huli na ipagbibigay-alam ang kanilang relasyon sa magulang kamakalawa ng gabi sa Barangay Poblacion, Kawit, Cavite.

Bandang alas-7:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Emma Concepsion ng nabanggit na barangay, samantala, ang suspek na agad namang nadakip ay nakilalang si Reynaldo Ferrer Jr, 25, binata na pinaniniwalaang adik sa shabu.

Base sa paunang imbestigasyon ni SPO4 Margarito Alba, natagpuan ang walang saplot na bangkay ng biktima sa likurang bahagi ng Poblacion Elementary School.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, nag-shabu session ang mag-live-in hanggang sa takutin ng biktima ang suspek na isusumbong sa kanyang ina ang kanilang relasyon at paggamit nito ng droga.

Ayon sa pulisya, positibong kinilala ng isang saksi ang suspek kaya napabilis ang pagdakip.

Sinabi naman ng suspek sa mga imbestigador na ikinairita niya ang tinuran ng biktima kaya nagawa niya ang krimen. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

AYON

BANDANG

BARANGAY POBLACION

CAVITE

CRISTINA G

EMMA CONCEPSION

ISANG

MARGARITO ALBA

POBLACION ELEMENTARY SCHOOL

REYNALDO FERRER JR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with