2 sa nagpasabog ng auto shop nalambat
April 7, 2003 | 12:00am
COTABATO CITY Dalawa sa apat na Muslim extremists na pinaniniwalaang responsable sa pagpapasabog ng auto shop sa Tacurong City na ikinasawi ng dalawa-katao noong Sabado, Abril 5, 2003 ang nahuli sa Barangay Poblacion, Tacurong City.
Sinabi ni P/Chief Insp. Raul Supiter, umaaktong hepe ng Tacurong police station, nalambat ng kanyang mga tauhan sa pakikipagtulungan ng mga civilian volunteer at barangay opisyal sina Toto Abas Dondi, 39 at Manalos Serad Sallipudin, 20-anyos na pawang residente ng Upper Dilag, Buluan, Maguindanao.
Ang dalawang suspek ay nakorner sa itinayong checkpoint sa Buluan, Maguindanao sakay ng motorsiklo na pinaniniwalaang patakas matapos isagawa ang pagpapasabog.
Ayon pa kay Supiter na positibong kinilala ng mga saksi ang dalawa na nagdala ng pampasabog sa auto shop na pag-aari ni Teresita Cabaguing.
Namatay sa naganap na pagsabog ang anak ni Teresita na sina Chris Ian, 16 at Rose Eden Cabaguing, 34; samantala, kritikal naman sina Alma Vidal, 54 at Boyet Cabaguing na ngayon ay nasa ospital.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na ang bombang ginamit ng mga terorista ay masyadong high-tech dahil umabot pa ang malakas na putok sa dalawang barangay at lumikha ng malaking crater sa sementadong sahig ng auto shop.
Ang bomba na inilagay sa loob ng baterya ng sasakyan ay highly-combustible powder at kapag nainitan ay sasambulat.
Ang dalawa ay positibong kinilala na nagdala ng pangkaraniwang baterya sa shop at nang mamataan ng apat na terorista na inilalagay na ng shop worker ang clamped sa baterya para magkarga ay nagmamadaling umalis.
Sa pahayag naman ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan ng Tacurong City at Buluan na ang pampasabog ay pinaniniwalaang test mission at ang mga responsable ay kasapi ng special operations group ng MILF rebels. (Ulat nina John Unson at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended