^

Probinsiya

2 ASG patay, 5 sundalo sugatan sa bakbakan

-
ZAMBOANGA CITY –Dalawang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang nasawi habang limang pulis at sundalo naman ang nasugatan sa naganap na engkwentro kamakalawa ng hapon matapos salakayin ang hide-out ng mga bandido sa Barangay San Roque ng lungsod na ito.

Ang isa sa mga nasawing ASG member ay nakilalang si Abdul Rauf Ladjamantli habang ang isa pang napaslang na bandido ay hindi nakilala dahil sa sunog na katawan nito.

Ayon sa ulat ng militar, bandang alas-5:00 kamakalawa ng hapon nang salakayin ng pinagsanib na pwersa ng PNP at AFP ang hide-out ng mga bandido sa Sta. Teresita compound para ihain ang search warrant.

Nanlaban ang mga ASG matapos mamataan ang mga sundalo at pulis hanggang sa tumagal ang labanan ng 7 oras.

Apat na pulis at isang sundalo naman ang nasugatan sa naganap na engkwentro sa pagitan ng ASG at mga awtoridad.

Sinunog pa ng isang ASG ang kanilang hide-out saka nagsitakas ang mga ito.

Sinasabing may patong sa ulong P150,000 reward si Ladjamantli dahil sa pagkakasangkot nito sa Ipil massacre noong 1995.

Ang nasabing hideout ay pinaniniwalaang pinagtataguan din ni ASG Commander Isnilon Hapilon subalit wala ito ng salakayin ng mga awtoridad ang nasabing lugar. (Ulat nina Roel Pareño at Joy Cantos)

vuukle comment

ABDUL RAUF LADJAMANTLI

ABU SAYYAF GROUP

APAT

ASG

AYON

BARANGAY SAN ROQUE

COMMANDER ISNILON HAPILON

JOY CANTOS

ROEL PARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with