^

Probinsiya

Bagong graduate nalunod sa beach

-
BACACAY, Albay – Bumagsak lahat ang pangarap ng isang 22-anyos na bagong graduate sa high school makaraang malunod sa beach resort na sakop ng Barangay Sogod sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Si Alvin Nayve, binata ng Barangay Baligang, Camalig, Albay ay naligo sa beach resort kasama ang ilang kaibigan at kasambahay nito.

Habang nasa kasagsagan nang paliligo si Nayve, kasama ang dalawang kaibigan ay bigla na lamang itong nawala dakong alas-3 ng hapon.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagtulung-tulong na hanapin ang biktima, ngunit hindi makita kaya naman ipinagbigay-alam na sa kinauukulan ang pangyayari.

Bandang alas-6 ng gabi nang makita ang bangkay ni Nayve ng mga rescue worker. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

AYON

BANDANG

BARANGAY BALIGANG

BARANGAY SOGOD

BUMAGSAK

ED CASULLA

HABANG

NAYVE

SI ALVIN NAYVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with