^

Probinsiya

P2-M pekeng signatured jeans nasabat

-
LIPA CITY, Batangas – Aabot sa P2-milyong pekeng jeans ang iniulat na nasabat ng mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang salakayin ang isang pabrika sa Barangay Pusil sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Batangas City Regional Trial Court Judge Paterno Tac-an, Branch 84, sinalakay ng NBI intelligence team ang pabrika na pag-aari ng mag-asawang Ricky at Lolita dela Cruz.

Nakumpiska ang may 1,000 pirasong pekeng jeans, iba’t ibang uri ng tatak ng mga sikat na pangalan ng pantalon, mga sewing machine at gamit sa paggawa ng pekeng jeans.

Ayon pa sa ulat ng NBI, ang mag-asawang suspek ay may pito pang pabrika sa nabanggit na barangay na responsable sa pamemeke ng mga sikat na pangalan ng pantalon katulad ng Guess, Levis, Jag, Lee, Marlboro Jeans, Dickies at Diesel.

Sinaksihan naman ni Tony Valiarta, tumatayong trademark investigator ng Guess jeans corporation ang isinagawang pagsalakay bandang alas-9:30 ng umaga.

Gayunman, sinabi ni Valiarta na ang nadiskubreng pagawaan ng mga pekeng pantalon ay naapektuhan ang mga lehitimong manufacturer partikular ang inferior quality. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

AABOT

ARNELL OZAETA

AYON

BARANGAY PUSIL

BATANGAS

BATANGAS CITY REGIONAL TRIAL COURT JUDGE PATERNO TAC

CRUZ

MARLBORO JEANS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

TONY VALIARTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with