8,000 litro ng diesel nasabat
March 28, 2003 | 12:00am
SUBIC BAY, Freeport Umaabot sa 8,000 litro ng krudo (diesel) ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng intelligence at operatives unit ng Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD) lulan sa tanker na tangkang ipuslit palabas ng Subic Freeport kamakalawa ng hapon.
Sa isinumiteng ulat kay ESS-CPD Chief Capt. Elpidio "Sonny" Manuel, nasabat ang Lorry tanker (CWD-131) na naglalaman ng 8,000 purong krudo dakong alas-4 ng hapon matapos na naispatang papalabas ng Kalakhan entry-exit gate ng nasabing freeport.
Kasabay din na inaresto ng pulisya ang driver ng tanker na si Mario A. Bundang, 43, ng Woodhouse St., Barangay Gordon Heights, Olongapo City dahil walang maipakitang dokumento.
Batay sa inisyal na ulat, ang 8,000 litrong diesel ay binili ng suspek sa hindi pa malamang halaga sa Coastal Petroleum, isang higanteng kumpanya ng langis na nakabase sa Subic Bay Freeport at tanging oil distributor sa loob ng naturang Freeport.
Ang nakumpiskang tanker ay kasalukuyang dinala sa Customs Clearance Area (CCA), kasabay nang pagpapalabas ni Customs Collector Atty. Emelito Villaruz ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa kargamento. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest