Ama pinatay ng sariling anak
March 24, 2003 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Isang 54-anyos na ama ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng sariling anak sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Mabuhay sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Duguang bumulagta ang biktimang si Ramon Voluntarioso Sr., magsasaka, samantala, ang suspek na si Ramon Voluntarioso, Jr., 25, binata, walang trabaho ay agad naman sumuko sa pulisya matapos isagawa ang krimen dakong alas-4 ng hapon.
Sa impormasyon nakalap ng pulisya, namataan ng biktima ang kanyang anak na nakikipag-inuman kasama ang ilang kaibigan.
Tinungo ng ama ang kinaroroonan ng kanyang anak at pinagsabihan na umuwi na dahil sa lango na sa alak, ngunit nairita ang suspek dahil sa napahiya sa mga kaibigan.
Ayon pa sa pulisya, sinundan ng suspek ang kanyang ama sa kanilang bahay saka kinompronta hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo at sigawan.
Dahil sa lango na ang suspek ay hindi nito inalintana na ama na niya ang pinaslang. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 45 minutes ago
By Christian Ryan Sta. Ana | 45 minutes ago
By Ed Amoroso | 45 minutes ago
Recommended