Coed nasagip sa mga kidnaper
March 23, 2003 | 12:00am
SAN JOSE CITY, Nueva Ecija Isang 18-anyos na estudyanteng babae na pinaniniwalaang kinidnap ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa gasolinahan sa Balagtas, Bulacan noong Lunes, Marso 17, ang nailigtas ng mga elemento ng Police Anti-Crime and Emergency Response (PACER) at pulis-Nueva Ecija sa Barangay Caanawan sa lungsod na ito noong Miyerkules ng hapon.
Ang biktima na estudyante ng Assumption College sa Makati City ay nakilalang si Jillian Valeska dela Cruz, ng Royal Estate, Las Piñas City.
Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, umalis ang biktima sa kanilang bahay kasama ang family driver bago nagtungo sa nabanggit na lugar.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na isang alyas Colorado ang nagsagawa ng plano kasama ang apat pang iba na nakilalang sina Boy Ramos, isang alyas Payat at dalawang hindi kilalang lalaki para kidnapin ang biktima.
Sa impormasyong nakalap ng pulisya, sinalakay ng mga awtoridad ang pinagkukutaan ng mga kidnaper sa Barangay Caanawan bandang ala-1:30 ng hapon at nailigtas ang biktima, partikular na ang P450,000 ransom money na ibinigay ng mayamang pamilya.
Hindi naman nadakip ng mga awtoridad ang mga suspek sa hindi maipaliwanag na dahilan at kasalukuyang tinutugis. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest