Natalong alkalde ng Castillejos iprinoklama ng Comelec
March 19, 2003 | 12:00am
CASTILLEJOS, Zambales Tensyon pa rin ang nangingibabaw sa munisipalidad ng bayang ito makaraang tumanggi pa ring lisanin ang puwesto ni Enrique Magsaysay bilang alkalde sa kabila ng pagpapalabas ng desisyon ng Commission on Election (COMELEC) na si Wilma D. Billman ang lehitimong alkalde.
Sa promulgasyon ng First Division ng Comelec noong nakalipas na Peb. 17, 2003, matapos ang mahigit sa siyam na buwang pagdinig sa kasong kinasasangkutan ng dalawang nabanggit, idineklarang si Billman ang tunay na alkalde ng Castillejos, Zambales.
Sa isinagawang recounting ng Comelec ng unang debisyon, napatunayan na lehitimong nanalo sa pagka-alkalde si Billman matapos makakuha ito ng kabuuang 3,975 mula sa may 14 presinto ng naturang bayan, samantala, si Magsaysay naman ay nakakuha ng 3,595 boto. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended