Cell site ng Globe pinasabog ng NPA
March 8, 2003 | 12:00am
Masbate City Pinasabog ng di pa nakilalang mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) matapos hagisan ng homemade bomb ang compound ng Globe cell site na ikinasunog ng supply room nito kamakalawa ng gabi sa Sitio San Roque, Brgy. Nursery sa lungsod na ito.
Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas 9:30 ng gabi.
Sa lakas ng pagsabog ay nasunog ang supply room na tinatayang umaabot sa halagang P500,000 ang halaga ng napinsala.
Hindi na inabutan ng mga nagrespondeng tauhan ng Bureau of Fire Protection ang mga suspek na mabilis na tumakas sa nasabing lugar.
Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang motibo ng mga suspek sa pagpapasabog ng naturang cell site na pinaniniwalaan ring may kinalaman sa pangingikil ng mga ito ng revolutionary tax. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 11 hours ago
By Cristina Timbang | 11 hours ago
By Tony Sandoval | 11 hours ago
Recommended