^

Probinsiya

Tinakasan ang buntis, pinatay

-
TAYTAY, RIZAL – Dahilan sa pagtakas sa responsibilidad, pinatay sa saksak ang isang 28 anyos na binata ng kapatid nang nabuntis nitong dalaga sa bayang ito kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Sonny Oscenar, 28 anyos, residente ng Brgy. Dolores, Taytay matapos magtamo ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap naman ang di pa nakilalang suspek na umano’y kapatid ng dalagang nabuntis ng biktima.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Taytay Police, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang magkaroon umano ng komprontasyon sa pagitan ng biktima at ng dalaga na kinilala lamang sa palayaw na Babes.

Ilang saglit pa ay umiiyak na nagtatakbo umano ang babae matapos na tumanggi ang binata na panagutan ang dinadala nitong sanggol.

Lingid sa kaalaman ng biktima ay nasundan pala ang dalaga ng kanyang kuya kung saan ay sinugod ito ng saksak hanggang sa duguan itong mapalupasay. (Ulat ni Joy Cantos)

BRGY

DAHILAN

ILANG

JOY CANTOS

LINGID

PINAGHAHANAP

SONNY OSCENAR

TAYTAY

TAYTAY POLICE

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with