^

Probinsiya

14 Sayyaf, 3 kawal dedo sa bakbakan

-
ZAMBOANGA – Labing-apat na kasapi ng bandidong Abu Sayyaf at tatlong kawal ng Philippine Army ang iniulat na nasawi makaraan ang matinding bakbakan sa kagubatan ng Sitio Tanum malapit na bayan ng Patikul, Jolo, Sulu kahapon.

Sinalakay ng tropa ng militar ang isa sa pinakamalaking kuta ng Abu Sayyaf sa naturang kagubatan, ngunit sinalubong ang mga kawal ng Philippine Army ng sunud-sunod na putok mula sa mga armadong bandido na iniuugnay sa al-Qaeda terror network, ayon sa ulat ng militar.

Bumulagta kaagad ang pitong bandido kasabay ang tatlong kawal ng Phil. Army sa unang bugso ng putukan habang pitong sundalo ang nasugatan.

Napag-alaman sa ulat ng militar, ang grupo ng bandido ay pinamumunuan ni Radulan Sahiron na pinaniniwalaang may hawak sa tatlong marinong Indo at apat na kasapi ng Jehovah’s witness na dinukot noong nakalipas na taon.

Kasunod nito, nagsagawa rin nang biglaang pagsalakay ang tropa ng 53rd Infantry Battalion ng Phil. Army sa isa pang kuta ng mga bandido sa Sitio Bandang, Jolo, Sulu malapit sa bayan ng Talipao kamakalawa na ikinasawi ng apat na Sayyaf.

Samantala, kinumpirma naman ng isang sibilyan na tumulong sa pag-akay sa kritikal na bandidong si Mujib Susukan matapos na lusubin ng militar ang isa pang kuta ng mga bandido sa Maimbung, Sulu kamakalawa.

Si Susukan ay pinaniniwalaang isa sa lider na sumalakay sa Sipadan Island, Malaysia bago dinala ang mga bihag sa Sulu.

Patuloy pa rin ang pananalakay ng tropa ng militar sa mga lugar na posibleng pinagkukutaan ng mga bandido na kasalukuyang nagkawatak-watak. (Ulat ng AFP at ni Danilo Garcia)

ABU SAYYAF

DANILO GARCIA

INFANTRY BATTALION

JOLO

MUJIB SUSUKAN

PHILIPPINE ARMY

RADULAN SAHIRON

SI SUSUKAN

SIPADAN ISLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with