^

Probinsiya

3 dedo sa rambulan

-
GENERAL TINIO, Nueva Ecija – Tatlong kalalakihan ang iniulat na nasawi makaraang pagtulungang gulpihin ng siyam katao sa naganap na rambulan sa Barangay Padolina sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na biktimang sina Juanito Quijano, 60; Zoilo Quijano, 39 at Romeo Quijano, 35 na pawang residente ng nabanggit na barangay.

Samantala, tatlo sa siyam na suspek ay kaagad namang naaresto at nakilalang sina Ramil Rivera, Roderick Padolina at Roman Rivera Sr.

Tinutugis naman ang nalalabing suspek na sina Romeo Rivera, Roberto Rivera, Jaime Padolina, Joselito Padolina, Randy Rivera at Bonifacio Magno ng Brgy. Rio Chico sa bayang ito.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang rambulan dakong alas-6 ng gabi matapos na magsalubong ang dalawang panig.

May palagay ang pulisya na matagal na alitan ng magkalabang pamilya ang namagitan kaya naganap ang rambulan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BARANGAY PADOLINA

BONIFACIO MAGNO

CHRISTIAN RYAN STA

JAIME PADOLINA

JOSELITO PADOLINA

JUANITO QUIJANO

NUEVA ECIJA

RAMIL RIVERA

RANDY RIVERA

RIO CHICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with